Duterte hindi napikon sa pagtawag sa kanya na “psychopath” ni Agot Isidro



Ipinagkibit-balikat lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “psychopath” comment sa kanya ng aktres na si Agot Isidro.

Sa kanyang pahayag, sinabi ng pangulo na hindi naman daw siya apektado sa naging pahayag ng aktres laban sa kanya.

“May nagsabi na may nagalit daw na isang artista sa akin na ano daw ako, ‘psychopath.’ I leave her to her Constitutional right to free expression…it’s okay”, paliwanag ni Duterte. Nauna dito ay kinastigo ni Isidro si Duterte sa social media makaraang sabihin ng pangulo na hindi aasa ang bansa sa mga tulong na magmumula sa U.S at European Union.

Inulan ng mga banat mula sa mga tagasuporta ng pangulo ang aktres pero nanatiling matatag si Isidro
 sa pagsasabing walang mali sa kanyang mga naging puna kay Duterte. Sa Kamara kanina ay umani ng suporta mula sa ilang Liberal Party Congressmen ang naging pagpuna ni Isidro sa pangulo.
Sinabi ni Albay Rep. Edcel Lagaman na dapat tularan ang aktres na matapang na naghahayag ng kanyang saloobin laban sa mga umano’y maling polisiya ng kasalukuyang administrasyon.

source

No comments

Powered by Blogger.