De Lima, Kailangang Managot Sa Paglaganap Ng Droga Sa New Bilibid Prison



“Talagang tutuluyan para matanggal sa Senado at makulong siya (Sen. Leila de Lima).”
Ito ang reaksyon kahapon ni House minority leader Danilo Suarez kaugnay ng isinampang kaso ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) laban kay De Lima sa Department of Justice (DOJ).

 Ayon kay Suarez, hindi na ito nagulat na sinampahan agad ng kaso si De Lima dahil kailangang panagutin umano ng gobyerno ang mga taong responsable sa paglaganap ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

 Ang kaso ay isinampa ng VACC pagkatapos isara ng Kamara ang kanilang imbestigasyon sa nasabing isyu kung saan lahat ng 22 witnesses na iniharap ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre ay pawang itinuro si De Lima na nakinabang sa illegal drug trade sa NBP.

source

No comments

Powered by Blogger.