De Lima, Humingi Ng Hustisya Hinggil Sa Pagkalat Ng Umanoy Sex Video Nya



Nanawagan si Senator Leila de Lima para sa hustisya hinggil sa patuloy na pang-aakusa sa kanya kabilang ang bentahan ng umano'y sex video niya sa Quiapo.

Ayon kay De Lima, parte ng kabulastugan ng kanyang mga kritiko ang pagpapakalat ng naturang video na aniya'y labag sa batas.
Dagdag pa ng senadora, bagamat gusto niya ng hustisya ay hindi niya magawang dumulog sa Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Department of Justice dahil magkakakuntsaba umano ito sa pagiimbento ng ebidensya laban sa kanya.
Sa kabila nito ay patuloy umanong lalaban ang mambabatas para matigil na ang mga kasinungalingan at panggigipit sa kanya.


source

No comments

Powered by Blogger.