DE LIMA BINATO ANG BUBONG NG BAGONG BAHAY NA NILIPATAN



Di umano sa Bagong nilipatang Village ni Senator De Lima ay may nangahas mambato sa bubong ng bagong nilipatang bahay,

Maugong ang Usap usapan na si Senator Delima Ay lumipat na ng tinitirhan dahil sa mga Threats at Text Messages na natatanggap niya Simula noong Isa Publiko ang kanyang Cellphone Number sa pag dinig sa KAmara.

Ayon sa ilang Kapit bahay, nitong Petsa 23 ng kasalukuyang buwan ng Setyembre, dakong 11:45PM nang may marinig silang tila lumagabog sa bubong ng bahay na Nilipatan ng Senadora. at hinala nilang marahil ay mula ito sa tunog ng naihagis na bato sa bubong ng bahay,

Hindi pa natiyak kung ito ay sadyang pambabato o may nalaglag lamang na piraso ng kahoy gawa ng pag kumpuni sa nilipitang bahay.

Para matiyak ang seguridad niya umalis na muna sa kaniyang bahay sa isang subdivision si Senator Leila DeLima.

Ayon sa senadora, lumipat na lamang muna siya ng tirahan dahil maging ang kaniyang mga kapitbahay at angseguridad sa subdivision na kaniyang tinitirahan ay naapektuhan na ng mga kinakaharap niyang kontrobersiya.

Simula aniya ng pumutok ang mga balita laban sa kaniya, dumami rin ang mga natatanggap niyang pagbabanta, kaya kinailangan ding magpatupad ng mas mahigpit na security measures.

“Yes, I have to temporarily leave my house, at hindi lang ako ang apektado, apektado yung buong subdivision, added burden sa kanila kasi nag-add sila ng security measures, nadadamay sila because of me,” ayon kay DeLima.

Dagdag pa ni De Lima, patuloy ang pagtanggap niya ng hate messages sa cellphone number niya na inanunsyo sa hearing sa kamara.

Ayon sa senadora malinaw naman na ang mga mensahe na nagmula sa aniya’y mga “Duterte trolls” at “Duterte fanatics”.

Ilan sa mga mensahe ay binasa ni De Lima sa harap ng media kabilang ang:

“Hoy Delimaw! Kailan ka magbabaril sa ulo mo? Kahit katiting wala ka na bang natitirang kahihiyan? Matanda ka na konti na lang buhay mo sa mundo, hindi ka ba natatakot mamatay ng makasalanan?”

“Ikaw pala ang isa sa mga salot sa Pilipinas, umamin ka na, mahiya ka uy,”

Sinabi ni De Lima na hindi na niya halos nagagamit ang nasabing numero sa lehitimong tawag o mensahe dahil hindi ito napapahinga sa pagtanggap ng hate messages.

Muli namang iginiit ng senadora na hindi siya magbibitiw sa pwesto sa kabila ng mga panawagan.

“Ako ang ginigipit nila sa mga walang katuturang akusasyon nila, tapos ako ang magreresign?” dagdag pa ng senadora

source

No comments

Powered by Blogger.