Buong Pwersa Ng Militar Gagamitin Na Kontra Abu Sayyaf!



Gagamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng istratehiya, paraan at resources para tuluyan ng mapulbos ang bandidong Abu Sayyaf Group (ASG).

Ayon sa AFP, gagamitin ng militar ang lahat ng available na “tools of war” para masolusyunan na ang problema sa teroristang Abu Sayyaf.

Ito umano ang direktiba ni AFP Chief of Staff General Ricardo Visaya sa lahat ng mga unit commanders matapos ang matagumpay na operasyon ng militar laban sa bandidong grupo sa lalawigan ng Basilan at Sulu. Kumpyansa si Visaya na kung gagamitin lahat ng resources ay mabubuwag na ng militar ang bandidong grupo.

Ayon sa opisyal, hindi lamang dapat pagbomba ang approach sa ASG kundi dapat gamitan din ng psychological blow.

Nais din ni Visaya na tuluyan ng ma-isolate ang teroristang grupo sa tulong ng mga lokal na opisyal ng sa gayon hindi na makapag penetrate pa sa komunidad ang bandidong grupo. Ayon naman kay Public Affairs Office chief Col. Edgard Arevalo na mayroon silang memorandum of agreement sa ibang ahensiya ng pamahalaan lalo na sa mga narerekober at nakumpiska na mga kagamitan gaya ng mga pumpboat.

Sinabi ni Arevalo na ang mga fastcraft na nakumpiska ay pwede na ito gamitin ng militar lalo na sa pagpatrulya sa karagatan.

source

No comments

Powered by Blogger.