BREAKING NEWS! Sen. Zubiri: "Magpa-drug test lahat ng Senador para magka-alaman na"



Kung ayaw pangalanan ni presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang senador na tumitira umano ng cocaine, iginiit ni Sen. Juan Miguel Zubiri na makabubuting sumailalim na lang sa drug test ang mga senador.

Ayon kay Zubiri, dapat umanong ipag-utos ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na sumailalim sa drug test ang mga senador para mawala ang hinala ng publiko na may kasama silang adik sa Senado.

“Ang hamon ko sa Senado ay magpa-drug test lahat ng senador para sa ganun mawala ‘yung duda na may senador na gumagamit ng ipinagbabawal na gamot,” giit ni Zubiri.

Sinabi ng senador na sumailalim na siya sa drug test noong Hulyo nang isampa ang resolusyon para hilingin sa mga nagtatrabaho sa gobyerno, kabilang na ang mga mambabatas na sumailalim sa drug test.

Hinimok naman ni Sen. Richard Gordon si Vice Mayor Duterte na sumulat na lang kay Senate President Pimentel at magpaliwanag sa sinasabi niyang senador na tumitira ng cocaine.

source

No comments

Powered by Blogger.