BREAKING NEWS! Pamangkin at umanoy bagman ni De Lima, inaresto ng NBI


I



Inaresto ng National Bureau Of Investigation ang pamangkin at umanoy bagman ni Senador Leila De Lima sa Quezon City.

Kinilala ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre ang naaresto na si Jose Adrian Dera Alyas Jad De Vera.
Naaresto si De Vera dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga at kasama rin ito sa lookout bulletin ng Department Of Justice.

Si De Vera ang itinuturong bagman umano ni De Lima at dating Bureau Of Corrections Director Franklin Bucayu sa Drug Money mula sa mga high profile inmates sa New Bilibid Prison. Kasama din si de vera sa mga sinampahan ng kaso sa doj ng vacc laban kay de lima at anim na iba pa dahil sa paglabag sa dangerous drug act.

source

No comments

Powered by Blogger.