BREAKING NEWS! Pagsibak kay de Lima inirekomenda ng isang Kongresista








Dapat irekomenda ng House Justice Panel ang pagpapatalsik kay Senadora Leila de Lima bilang miyembro ng Senado.

Ito ang iginiit ni Kabayan Partylist Rep. Harry Roque, sabay tutol sa pasya ng lupon na huwag magrekumenda ng crimimal prosecution laban kay De Lima sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons o NBP na inimbestigahan ng Kamara.
Maliban dito, nagdesisyon din ang Justice Committee na tumutok na lamang sa pagrekomenda ng legislative measures upang matuldukan na ang kalakaran ng droga sa Bilibid.

Pero ani Roque, dapat nang masibak si De Lima sa Senado dahil masyadong mabigat ang kanyang pananagutan.
Binigyang-diin pa ni Roque na may accountability si De Lima kung bakit lumala ang bentahan ng droga sa Bilibid at namayagpag ang mga drug lord sa pambansang piitan.

Sinabi ni Roque, na isang kilalang abogado na uubrang kasuhan si De Lima ng paglabag sa sections 6 at 27 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Malinaw din aniya na sangkot si De Lima sa katiwalian.

Ayon kay Roque, nauunawaan naman niya ang desisyon ng liderato ng Kamara pero si De Lima na isang halal na opisyal ay hindi maaaring palagpasin sa batas base sa mga umiiral na batas sa bansa.

sourcehttp://www.dutertemedia.com/2016/10/pagsibak-kay-de-lima-inirekomenda-ng.html

No comments

Powered by Blogger.