BREAKING NEWS! Mega Drug Rehab, Sa Fort Magsaysay, Tatanggap Na Ng Mga Surrenderers Simula Nov. 15



Sisimulan nang tumanggap ng mga drug surenderers at mga drug dependents mula sa Region 3 ang itinatayong rehabilitation center sa loob ng Fort Magsaysay sa Palayan City Nueva Ecija sa November 15.

  Ayon kay DILG Reg 3 director Florida Dijan, mismong si Pangulong Duterte ang magiging panauhing pandangal sa sandaling pormal na buksan ito at simulang mag-accommodate ng mga drug dependent na nagsi-suko sa rehiyon.

Ayon kay Dijan, ‘pre-fabricated’ ang materyales na ginamit sa gusali at Chinese contractor ang gumagawa.

Sa ngayon, malapit na aniyang makumpleto ang ‘Wing 1’ na mayroong anim na units o gusali at tig-dalawang palapag.

Sa umpisa, kayang mag-accommodate ng 1,100 na mga drug dependents sa ‘wing 1’ sa Nobyembre at bago matapos ang taon ay target nilang doblehin ito.

source

No comments

Powered by Blogger.