BREAKING NEWS! MAHIGIT 200 INARESTO KASAMA ANG BRGY. CHAIRMAN, SA ONE-TIME BIG-TIME OPERATION SA MAYNILA

BREAKING NEWS:Brgy. Chairman, 6 na iba, patay sa one-time big-time operation sa Maynila; mahigit 200 na ang inaresto. Pito na ang patay at mahigit 200 ang naaresto sa isinagawang one-time big-time police operations sa mga lansangan sa Quiapo Maynila. Kabilang sa nasawi ang isang kapitan ng barangay sa Barangay 648. Zone 67 na si Faiz Macabato. Sa ngayon umabot na sa mahigit 200 na itinuturing na pawang persons of interest ang dinampot ng pulisya sa isinagawang operasyon sa loob ng Islamic Center Compound at sa iba pang mga lansangan sa Quiapo Maynila. Kabilang sa naaresto ang isang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) na si Sambetory Macaraas Sarip, 33-anyos. Nakuha mula kay Sarip ang kaniyang ID, uniporme niya sa BIAF, at dalawang vault. Nagtungo din sa lugar si Manila Mayor Joseph Estrada para personal na tignan ang isinagawang operasyon. Sa dami ng mga naaresto, isinakay sila sa mga pampasaherong jeep para madala sa presinto

No comments

Powered by Blogger.