BREAKING NEWS! Krista Miller Ikinanta Sa Mga Pulis Ang Mga Celebrity Buyers Nya




Tiniyak umano ng starlet na si Krista Miller na makikipagtulungan sa mga otoridad, kasunod ng pagkakaaresto sa kanya sa anti-illegal drug operation ng Quezon City Police District (QCPD).
Sa press con kanina ng QCPD, hindi na umano nagbigay ng dagdag na detalye si Miller maliban lang sa pag-name drop sa ilang celebrity na kanyang kliyente. Nabatid na unang nadakip nitong Biyernes ang limang indibidwal sa buy bust operation sa Bagumbuhay, Quezon City, kabilang ang FHM magazine models na sina Liaa Alelin Bolla at Jeramie Padolina, na silang tumukoy kay Miller na kanila raw pinagkukuhanan ng droga.

Ngayong araw naman nang matunton si Miller sa follow-up operation sa Barangay Gen. Tiburcio de Leon, Valenzuela City, kasama ang nagngangalang Aaron Medina.
Si Krista o Kristalyn Engle sa tunay na buhay ay unang naging kontrobersyal matapos ituro bilang kalaguyo diumano ng aktor na si Cesar Montano na dahilan ng kanilang hiwalayan ng misis na si Sunshine Cruz.

Sunod dito ay ang pagbisita niya sa Sputnik gang leader at convicted drug lord na si Ricardo Camata sa isang ospital, ngunit iginiit na binibentahan niya lamang ito ng condominium unit.

Kabilang sa pelikula ng 25-year-old sexy star ay ang "Hukluban," at pinagtambalan nila ni Cesar na "The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim."

source

No comments

Powered by Blogger.