BREAKING NEWS! Edgar Matobato Sumuko Na Sa Camp Crame!



Sumuko na sa Philippine National Police headquarters sa Camp Crame si Edgar Matobato, Byernes, October 7, matapos mag-issue ng arrest warrant ang Davao court laban sa kanya.

Si Matobato, na nag-akusa kay Pangulong Duterte na syang nasa likod ng summary executions noong sya ay Mayor pa ng Davao City, ay inihatid sa Camp Crame ni Senador Antonio Trillanes, alas 9 ng umaga.


Ang diumano’y former Davao Death Squad member ay dinala sa Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG NCR) office upang sumailalim sa booking procedures. Sya ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap si PNP chief Director General Ronald dela Rosa.

Ang arrest warrant ay na-issue ngayong linggong ito dahil sa kabiguan nitong makarating sa kanyang arraignment sa mga akusasyon laban sa kanya tungkol sa illegal possession of firearms na na-file laban sa kanya noong 2014 na isang bailable offense.


Matatandaang iprinesenta si Matobato sa Senate committee sa imbestigasyon tungkol sa extra judicial killings na kinasasangkutan ng presidente. Dahil dito, tumibay ang naririnig ni Senadora Leila de Lima tungkol sa existence ng Davao Death Squad na hinihinalang pumapatay ng mga suspected criminals.

Ayon kay Matobato, si Duterte ang nagbuo ng grupo at syang nagbibigay ng orders, na itinanggi naman ni Pangulong Duterte.




source

No comments

Powered by Blogger.