BREAKING NEWS! DOJ: Bank records na lang ang kulang, sasampahan na nang kaso si De Lima



Hinihintay na lamang ng Department of Justice (DOJ) ang ‘bank records’ para makumpleto at masigurong ‘airtight’ ang kasong isasampa laban kay Sen. Leila de Lima. Ang bank records ay magmumula umano sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang maestablisa kung totoong nangyari ang sinasabing deposito ng diumano’y ‘drug money’ sa account ni De Lima at itinuturong mga taong malalapit dito.

“I want an airtight case and we need the bank documents for this. Actually, we already completed all the testimonies and evidence and there’s a probable cause. But I have to see the contents of the second AMLC report on bank accounts,” ani DOJ Sec. Vitaliano Aguirre.

Maliban kay De Lima ay kasama rin sa kakasuhan ng DOJ sina dating Undersec. Francisco Baraan, Ronnie Dayan, drug lord Jaybee Sebastian at dating Bureau of Corrections (BuCor) Chief Franklin Bucayu.

Kahapon ay kinumpirma ni Aguirre na dadalo na sa susunod na hearing ng Kamara ang high-profile inmate ng New Bilibid Prison (NBP) na si Sebastian. Bagama’t wala pa umanong isinusumiteng affidavit ang convicted drug lord ay naniniwala ang kalihim na wala nang sagabal para humarap ito sa congressional hearing na naunang naantala dahil sa pagkakasaksak nito sa Bilibid riot noong Setyembre 28.

source

No comments

Powered by Blogger.