BREAKING NEWS :De Lima, nangakong lalaban hanggang kamatayan para patunayan na inosente siya!!




Muling iginiit ni Senator Leila De Lima nitong Huwebes na hindi siya sangkot sa iligal na droga at nangakong lalaban hanggang kamatayan upang patunayan na puro kasinungalingan ang mga paratang laban sa kanya.

 "It is something I will fight for, even die for, to prove that I am innocent," pahayag ng senadora sa isang "dialogue on human rights and democracy" na inorganisa ng St. Scholastica's College, Manila.

"I cannot stop because the truth is on my side," giit niya. Bahagi sa kanyang talumpati ang pagpakita ng live video sa loob ng Kamara kung saan nagaganap ng pagdinig sa umanoy kalakalan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison na umano'y pinoprotektahan niya habang siya ay kalihim pa ng Department of Justice.

Dahil sa patuloy na pang-aatake sa kanyang pagkatao, marami na umano ang "naniniwala sa mga kasinungalingan" laban sa kanaya. Ngunit hindi siya pagagapi, aniya.

 "Your encouragement is my motivation to continue to fight the good fight," pahayag niya patungkol sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya.

 Bago simulan ang kanyang talumpati, tinanong niya ang audience kung sino sa kanila ang naniniwalang nakinabang siya sa drug money sa New Bilibid Prison. 

May kakaunting nagtaas ng kamay. Ipinangako ng Senadora sa kanila na hindi naman sila gagantihan ng dahil doon.

Nang tanungin kung paano niya nakakayanan ang pang-aatake sa kanya, sinabi niyang, "I'm deeply hurting," nasasaktan dahil apektado na ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa isyu. Tumanggap umano si De Lima ng milyun-milyong piso mula sa iligal na kalakalan ng droga sa loob ng Bilibid, at napunta umano ang pera sa kanyang pangangampanya sa pagka-senador nitong nakaraang halalan.

 Mariing pinasinungalingan ng senadora ang mga paratang mula mismo sa bibig ni Pangulong Rodrigo Duterte, na aniya'y pinakamakapangyarihang tao sa bansa.

 Matatandaang sinimulan ni De Lima ang imbestigasyon sa Senado tungkol sa "extrajudicial killings" sa ilalim ng pinaigting at madugong kampaya laban sa iligal na droga, na ayon sa kanya ay aabot na sa 3,000 ang mga napatay.

No comments

Powered by Blogger.