BREAKING NEWS! 6 kilo ng cocaine nasabat sa NAIA








Naharang ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Manila International Airport Authority (MIAA), Bureau of Customs at Philippine National Police ang 6.2 kilos ng cocaine.

Sa ulat na inilabas ng PDEA, nakuha ang nasabing droga sa isang nagngangalang Yasmin Fernandez-Silva.

  Si Silva ay sinasabing galing sa Brazil at Dubai bago nasabat sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 kaninang hapon.

Bago ito ay nakatanggap ng impormasyon ang mga otoridad kaugnay sa sinasabing pagpasok ng droga ng bansa. Pagbaba ni Silva mula sa Emirates flight number 322 ay kaagad na siyang sinundan ng mga otoridad.

Kamakailan lang ay may mga nasabat din na kilo kilong cocaine sa NAIA mula sa ilang mga personalidad na nagmula sa Brazil at Dubai. Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa masusing imbestigasyon ang inarestong suspek.

source

No comments

Powered by Blogger.