BREAKING NEWS: 2 tauhan ng drug lord na si Kerwin Espinosa nahuli ng NBI sa Bohol

kerwin

Nahuli sa isang entrapment operation ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawa sa mga sinasabing “supervisor” sa drug operations ng drug lord na si Kerwin Espinosa sa lalawigan ng Bohol.

Kinilala ni Atty. Rennan Augustus Oliva, pinuno ng NBI Provincial Office sa Bohol ang mga suspek na sina Victor Aguilar, 36-anyos at Marlowe Dano, 25-anyos na kapwa residente sa bayan ng Balilihan sa nasabing lalawigan.

Sina Aguilar at Dano ay inaresto sa isang bus terminal sa Tagbilaran City makaraan nilang bentahan ng shabu ang isang NBI agent na nagpanggap na poseur-buyer.

Nabawi mula sa mga suspek ang halos ay P300,000 na halaga ng shabu, dalawang Cal. 45 na baril at mga bala.

Sinabi ni Oliva na karaniwang sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono nakikipag-transaksyon ang mga suspek at ang bayaran ay ginagawa sa pamamagitan ng money transfer.

Sina Aguilar at Dano ang sinasabing namamahala sa bentahan ng droga para sa grupo ni Espinosa habang ito ay nagtatago sa mga otoridad.

Magugunitang noong isang linggo ay nahuli si Espinosa sa Abu Dhabi makaraan siyang ituro ng ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga otoridad doon.

source

No comments

Powered by Blogger.