BREAKING Andanar Sa Mga Nais Pabagsakin Si Duterte: Hindi Kayo Magtatagumpay



Hindi kayo magtatagumpay.” Ito ang maikli ngunit may paninindigang mensahe ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Martin Andanar para sa mga taong gustong pabagsakin si Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa PEP, sa tingin ni Andanar ay mahihirapan ang mga kumakalaban sa presidente dahil karamihan ng mga mamamayang Pilipino ay sumusuporta rito. “Kasi alam n’yo, 91 percent [ng mga Pilipino] sumusuporta sa Presidente, e. So, hindi sila magtatagumpay,” wika ng dating TV5 news anchor.

Papuri kay Duterte Samantala, pinuri ni Andanar ang paraan ng pagtatrabaho ng pangulo na ilang buwan pa lamang pinamumunuan ang Pilipinas. “Napakabilis po magtrabaho ng ating Pangulo. Lahat ng kanyang mga ipinangako ay ginagawan po natin ng paraan para matupad. Wala po siyang tigil sa pagtatrabaho, hindi lang po sa paghahabol sa mga drug lord at mga drug pusher kundi para pagandahin ang ekonomiya. At kailangan po magkaroon tayo ng kapayapaan, kinakausap niya ang ating mga kapatid sa MILF, MNLF, ganun din sa CPP-NPA-NDF,” aniya. “Gayundin po ‘yung pagiging lider ng ating Pangulo sa ASEAN region dahil tayo po ang magiging head ng ASEAN by next year. So, naka-focus din po siya at kami roon,” dagdag pa nito. Anti-drugs campaign Sa usapin naman ng ilegal na droga, sinabi ni Andanar na hindi naman daw nahihirapan ang pangulo sa laban kontra-droga, kahit pa kamakailan lang ay humingi ng karagdagang anim na buwan ang Pangulo. “Hindi naman nahihirapan, pero nabigla lang sa dami.

 Hindi kasi inakala na ganun pala kadami ang sangkot sa droga, lalung-lalo na iyong mga nasa pulitika, ‘yung nasa gobyerno. Sobrang dami e, kaya humihingi po ng karagdagang anim na buwan,” aniya. Dagdag pa ng opisyal, mayroong isang mapagkumbabang pangulo ang bansa na kayang aminin kung hanggang saan ang kaya niya. “Pero mayroon po tayong isang pangulo na matapat, masipag, at humble para aminin na kulang ‘yung anim na buwan. Pero hindi siya titigil,” sabi pa nito. Samantala, nauna nang nagkuwento si Andanar tungkol sa kung paano maging katrabaho ang pangulo. Panoorin ang panayam sa kanya:


source

No comments

Powered by Blogger.