“duplicitous, if not insulting to Sen. Gordon and the committee on justice members, which include myself and many other colleagues,”

Ganito inilarawan ni Senator Ping Lacson ang binabalak ni Trillanes na pa-imbestigahan ang ilang pulis na isinasangkot sa pagkamatay ni Zenaida Luz. Si Luz ay chairperson ng Citizen Crime Watch Regional. Matatandaang tinapos ni Senador Gordon ang senate hearing patungkol sa extra-judicial killings, dahil walang nang nakikitang dahilan para ipagpatuloy ito. Sa isinagawang pagdinig sa senado, ilang testigo ang iniharap ni Senadora Leila De Lima, ngunit, ang karamihan sa mga ito ay nagbigay ng mga salu-salungat na mga testimonya.