ANOTHER NETIZEN WROTE A LETTER TO FORMER DILG SECRETARY MAR ROXAS



Another netizen took his Facebook account and wrote his open letter to former DILG secretary Mar Roxas.

Facebook user Austin Zalameda is wondering and asking “Nasaan na kaya si Mar Roxas??”

Mar Roxas is known as a popular and very vocal politician, he had a lot of promises to improve the Philippines.

Roxas run for presidency last May 2016 but lost to President Rodrigo Duterte.

According to the letter, Roxas should continue to help filipino’s and his country even though he lost.

“Tumakbo po kayo dahil gusto niyong wakasan ang gutom ng bawat mamamayang Pilipino.”

“Tumakbo kayo dahil din gusto niyong ipagpatuloy ang tuwid na daan, yun ang lagi niyong bukang bibig noong nangangampanya pa kayo.”

Mr. Zalameda also said that Roxas should prove not even to his fellow Filipinos but also prove to his self that he can help even if he is not the president.

”Magpakita ka, ipakita mo sa taong bayan na kaya mong tumulong sa bansa kahit hindi ka nanalo bilang President.”

Read his full letter below:

Nasaan na kaya si Mar Roxas??

Mr. Mar Roxas, Tumakbo po kayo sa pagka presidente dahil gusto niyong tulungan ang bansang Pilipinas. Tumakbo po kayo dahil gusto niyong wakasan ang gutom ng bawat mamamayang Pilipino. Tumakbo kayo dahil din gusto niyong ipagpatuloy ang tuwid na daan, yan ang lagi niyong bukang bibig noong nangangampanya pa kayo.

Sobrang daming kabutihan ang ipinapakita niyo noong kayo pa ay nangagampanya bilang presidente, meron yung nagbubuhat kayo ng sako-sakong bigas, nakikibagay sa mga Pilipinong dukha, at meron pa nga nagtatraffic enforcer kayo, at marami pang iba, mapa-salita at mapa sa gawa. ginawa nyo ang mga yun para ipakita sa sambayanang Pilipino ng mahal niyo ang Bayang Pilipinas.

 Sa mga ginawa niyong hakbang noon, ipinapakita niyo na isa kayong mabuting mamamayan at ipinaramdam niyo sa bawat isang Pilipino na alam niyo ang hirap na dinaranas ng bawat sambayanang Pilipino.

Subalit noong dumating ang eleksiyon, kung hindi ako nagkakamali, nasa mahigit 9 milyong Pilipino ang bilang ng sumuporta sainyo, Ngunit nadaig po ang bilang niyo ng 16 milyon na bumoto kay President Duterte.

Subalit ang malaking tanong ay NASAAN KANA MR. MAR ROXAS??

Kung ang pakay mo ay makatulong sa Bansang Pilipinas, hindi basehan ang pagka-panalo bilang Presidente. Kung totoong mahal mo ang pilipinas at sambayanang Pilipino, dapat ipagpatuloy mo ang pagtulong sa bansa. Sayang naman yung mahigit 9 milyon na bumoto sayo.

Hindi maalis sa isip ko na baka kasi gusto mo lang maging Presidente dahil gusto mo ng kapangyarihan at hindi naman talaga pagtulong sa bansa ang pakay mo. Gusto ko ulit marinig yung dating Mar Roxas na palaban at gustong tumulong sa Pilipinas. Magtulungan po tayo, magtulungan kayo ni President Duterte.

 Diba ganoon naman talaga ang pakay niyong dalawa na tulungan ang naghihikahos na bansa natin. Sana ipakita mo sa taong bayan na mali sila sa iniisip nila. Wag kang manahimik nalang. Sayang naman yung mga taong sumuporta sayo.

 Inaantay ka, sumusulyap kung magpaparamdam ka pa ba. Ang panget lang kasi ng dating eh, noong natalo ka sa pagka-presidente, bigla ka nalang nawala. Magpakita ka, ipakita mo sa taong bayan na kaya mong tumulong sa bansa kahit hindi ka nanalo bilang President.

Ganoon ang TUNAY NA PILIPINO.

source

No comments

Powered by Blogger.