Watch! Super Shabu Factory, Nilusob ni Pangulong Duterte!

watch-super-shabu-factory-nilusob-ni-pangulong-duterte-main

Sa pinagpapatuloy na giyera kontra-droga ng gobyerno , ininspeksyon ngayong araw ni President Rodrigo Duterte ang pinakamalaking shabu lab na natagpuan sa Pampanga. Ayon sa Pangulo, kayang makagawa ng 400 kilo kada araw ang manufacturing facility.

“Ang sabi ni Governor Pineda, mga eleksyon ito ginawa, then, iniwanan. Rightly so, because ‘yung unpacking and even the rusty knots were not really properly tighten. May mga kalawang na. The expert in PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) said, this factory could have produced 2 sessions at 100-200 kilos per ikot, per production. So it can go as twice a day,  it could have produce something like 400 kilos of shabu a day.”

Nanghinayang ang Pangulo dahil walang naaktuhang mga trabahador nang salakayin ang mega  shabu lab na ito. Ipapa-sequester na lang ng Pangulo ang lugar para hindi na magamit at makabalik ang may-ari nito.

“It’s just too bad na hindi tayo umabot sa mga tao dito (nagpapatakbo ng shabu laboratory). But this used to be a land, owned by somebody, then subsequently sold to a certain Mr. Chua. Tumalon daw dito somewhere, when the raiding team arrived. I’m ordering the sequestration of this property,  Chua couldn’t get it back again, I can assure you. Pag bumalik siya dito, siya na lang lutuin diyan sa loob.” dagdag pa ni President Duterte.




source

No comments

Powered by Blogger.