Watch! Pag-Massacre Ng Mga Amerikano Sa Mga Muslim, Pinaghuhugutan Ni Pangulong Duterte!



Itong mga nagdaan na araw, naging laman ng balita ang mga mainit na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa pangingi-alam ng Estado Unidos sa ginagawang kampanya ng Pilipinas laban sa iligal na gamot. Sa isang yugto sa press conference ni Pangulong Duterte, nabanggit niya ang naging kasalanan ng mga amerikano sa kapatid nating muslim noon 1906.

Ayon sa video na inilabas ng News5, minasaker na mga Amerikano ang mga Muslim na ayaw magpasakop noong 1906. Pinangunahan ni General Leonard Wood ang pag-atake. Mortar at Machine Gun ang ginamit ng mananakop sa pagpatay sa mga kababayan natin. Kasama sa mga namatay ay mga bata, babae at matatanda.

Sabi ni Pangulong Duterte, umabot sa 600,000 ang mga namatay na muslim sa kamay ng mga Amerikano at hanggang ngayon ay hindi pa rin raw humihingi ng paumanhin ang mga Amerikano ukol dito. Tuwing ika-6 ng Marso, ginugunita ng mga kababayan nating Muslim ang Bud Dajo Day upang alalahanin ang kabayanihang pinamalas ng mga moro na nakipaglaban sa mga mananakop.

Iba talaga si President Duterte, hindi lang pang-presidente, pwede ding history teacher.





source

No comments

Powered by Blogger.