Watch! P. Duterte, Sinupalpal Ang Drug Lord Na Si Jaybee Sebastian!

watch-p-duterte-sinupalpal-ang-drug-lord-na-si-jaybee-sebastian-main



Ito ang malutong na sagot ni President Rodrigo Duterte sa kagustuhan ni Jaybee Sebastian na maka-usap ang Presidente para isiwalat ang kanyang nalalaman sa kalakaran ng droga sa New Bilibid Prison. Si Jaybee Sebastian ang itinuturong go-to-guy ni Senadora Leila De Lima sa Bilibid at ito rin raw ang nangalap ng drug money sa Bilibid para itulong sa pondo ng kandidatura ni De Lima sa pagka-senadora.

“I do not talk to criminal. He can go to the fiscal, if he wants, or maybe write a letter to secretary Yasay, if that is feasible. What he has a problem now? Sinasabi ko hiningi ninyo (drug lords) lahat iyan eh. I’m telling everybody, ‘yun drugs na iyan, hinihingi niyo sa buhay ninyo (drug lords) darating iyan eh. I said, be careful on you wish for, or what you want, because you might get it” sabi ni Presidente Duterte.

Kamakailan lang napaulat na nagkaroon ng gulo sa loob ng Bilibid, kung saan may namatay na isang inmate at ikinasugat naman ng mahigit 3 preso. Isa sa mga nasagutan ay si Jaybee Sebastian, na ngayo’y nagpapagamot sa isang ospital. Ayon sa abogado ni Sebastian, nangangamba ang drug lord sa kanyang seguridad, kaya gusto nitong makausap ang Presidente para ibunyag na ang kanyang nalalaman sa kalakalan ng iligal na gamot sa piitan. Ngunit, ibibigay niya lang ang lahat ng impormasyon na kanyang nalalaman sa Presidente mismo at wala ng iba.

Sa tingin ko, tama lang ang pasya ni Presidente Duterte na tanggihan ang hiling ni Sebastian. Hindi magandang tignan na nakikipag-usap ang isang Presidente sa isang convicted criminal.




 source

No comments

Powered by Blogger.