WATCH: HIPAG AT PAMANGKIN NI EX-AGRI SEC ALCALA, HULI SA DRUG BUY BUST OPERATION.



Base sa report ng DZMM naaresto ang hipag at pamangkin ni dating Agriculture secretary Proceso Alcala sa isang drug buy-bust operation sa Tayabas City, Quezon, Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na si Maria Fe Alcala at kanyang anak na si Toni Ann. Kinumpirma ni Senior Superintendent Antonio Yara, hepe ng Quezon police, na nakuhanan ang mag-ina ng 115 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia sa operasyon sa Leveriza Subdivision, Barangay Isbang.

"Na-establish natin na silang mag-ina ay involved sa drug pushing," ani Yara sa panayam ng DZMM. Si Maria Fe ay misis ng hinihinalang drug lord na si Athelano Alcala, na kapatid naman ng dating Agriculture secretary at ni Quezon District Rep. Vicente Alcala.

Nasa drug watchlist ang anak ni Maria Fe na si Toni Ann, dagdag ni Yara.

Matatandaang suumuko sa mga awtoridad sina Athelo at anak na si Sahjid noong Agosto para itangging sangkot sila sa bentahan ng bawal na gamot.


source

No comments

Powered by Blogger.