Watch! FREE & SUPER FAST WIFI, Now Available In NAIA!



Mas maginhawa at mas maayos na ang paglalakbay ngayon dahil sa libreng internet connection sa mga paliparan. Hatid ito ng Department of Transportation (DOTr), sa pangunguna ni DOTr Secretary Arthur Tugade, at sa pakikipagtulungan ng Philippine Long Distance Telephone (PLDT) at SMART. Ayon sa report ng CNN Philippines, gagamitan ng fiber optic line ang internet connection at kayang makapagbigay ng 1000 gigabytes per seconds kahit mayroong 3000 na katao ang gumagamit nito.

“We have asked for a provision, atleast 1 gigabit per second fiber optic line for each of the sites. That ensures a very robust and good customer experience” sabi ni Eric Alberto ng PLDT at SMART.

Matatandaang noong mga nakaraang administrasyon, napabayaan ng husto ang NAIA. Hindi agad nakukumpuni ang mga sira sa paliparan at dumating pa nga sa puntong nabalita ang ating paliparan dahil sa tanim bala. Ngayon, hindi ka na puwedeng hulihin kung mahahanapan ka ng bala sa iyong bagahe, kukumpiskahin na lang ito ng mga airport  officials.

Sa mga susunod na buwan, lalagyan na rin ng internet connection ang iba pang paliparan at mga pantalan sa buong bansa.

 Sa loob pa lang ng 3 buwan napakamadami nang nagawa ang gobyernong Duterte. Napagana ang 911 emergency hotline, nakapagpasuko ng halos 1 milyong adik, napauwi ang mga stranded na OFW sa Middle East at ngayo’y nagkapagpalagay ng magandang public service sa NAIA. Mayroon pang ibang accomplishments pero hindi ko na nalista dahil sa sobrang dami.



source

No comments

Powered by Blogger.