Watch! Duterte To Human Rights Groups: Hoy! Binababoy Na Tayo Ng Druglords!



Hindi pinalampas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights advocates, na puna ng puna sa ginagawang giyera kontra-droga ng Pamahalaan. Ayon kay Presidente Duterte, kung wala siyang gagawin sa kasalukuyang sitwasyon ng droga sa bansa, patuloy na mamamayagpag ang mga drug lords. Sinabi rin ng Pangulo na binababoy na ng mga durg lords ang mga Pilipino, sabay turo sa pinakamalaking shabu manufacturing facility sa likod niya.

“Bumalik ka muna before I became the President. Tignan niyo ‘yung figures. Yung United Nation, yung mga international correspondents dito, tignan  muna ninyo pabalik, backwards. Tignan niyo kung ilan ang patay araw-araw. Walang pinagbago. Kaya ako, hindi ako aatras diyan dahil kung hindi ako gagalaw kawawa ang Pilipino. Kita mo (habang tinturo ang shabu lab)… Hindi ka na naawa? 400 kilos of shabu a day. Saan iyan idi-distribute? The whole of Manila. Binababoy nila (drug lords) tayo, sa totoo lang.”

Sa tatlong buwang panunungkulan ni Pangulong Duterte, mayroon nang mahigit 700,000 ang mga sumukong durugista at mahigit 1000 naman na ang namatay dahil nanlaban. Sa kabila ng panwagan ng simabahan at ilang sektor na magsalita ang masa laban sa administrasyon, tila hindi sila pinakikinggan ng publiko  dahil suportado ng karamihan ang giyera kontra-droga ng gobyerno.



source

No comments

Powered by Blogger.