VIRAL VIDEO : Paano Sinisiraan ng mga Mainstream Media Si President Duterte? Alamin Ang Pahayag Ni Sen.Cayetano


{The following article is first posted in Mocha Uson Blog}
Mayroon akong nasagap noon na balita na ang kalaban ni Pangulong DUTERTE ay nagsisimula ng kumilos.
Hindi ko po kaagad ito pinost dahil gusto ko po muna makasigurado dahil ayaw ko po magkalat ng tsismis o haka haka lamang. Nagtanong muna ako sa mga taong naka paligid sa ating Pangulo para makasigurado.
Ngayon, sunud sunod na ang kanilang atake sa ating Pangulo.
Ganito ang sistema ng mga kalaban. Dahil more than 90% ang approval rating ng ating Pangulo ay hindi kaya ng kalaban na siraan ang ating Pangulo dito sa sarili nating bansa. Kaya ang gagawin nila ay ang tinatawag na “BACKDOOR” ATTACK. Yan ay ang siraan si Pangulong Duterte sa International scene.
Sa madaling salita, sa ibang bansa magkakalat ng lagim ang mga kalaban. Palalabasin nila na masamang imahe ang ating Pangulo at ang mga nangyayari sa ating bansa. Habang ang LOCAL MEDIA ay patuloy na idinidiin ang EXTRAJUDICIAL KILLINGS kay P. DUTERTE ito naman ang pini-PICK UP na balita ng INTERNATIONAL MEDIA. At yan ay nagsimula na. At dahil dito babagsak ang negosyo o ekonomiya natin.
May ilang mga negosyante na natatakot na dito sa Pilipinas dahil pinalalabas ng mga POLITIKO, SIMBAHAN at MEDIA na ang PILIPINAS ay isang MALAKING KILLING FIELD. Pag bumagsak ang ekonomiya ay susunod na ang pagbaba ng moral ng mga supporters ni P.Duterte.
Isa pa sa kanilang gagawin ay aatakihin nila ang mga INFLUENCERS sa SOCIAL MEDIA para ito ay ma-discredit. Marami sa mga GENUINE PRO-DUTERTE PAGE ay madalas atakihin. Sa katunayan gumagawa pa sila ng mga ANTI-DUTERTE PAGE para lamang tirahin ang mga PRO-DUTERTE PAGE.
Hindi ko na babanggitin kung anong mga ANTI-DUTERTE PAGES na nagsulputan para idiscredit o atakahin ang mga tulad ni Thinking Pinoy, Sass Roganda Sasot, Lapu Lapu at ilang pang PRO-DUTERTE page.
Meron pa nga akong nabalitaan na sila ay nagha-hire pa ng mga SOCIAL MEDIA WARRIORS na kasing laki ng isang call center para lamang bantayan at ireport ang mga PRO-DUTERTE Page. Meron pa nga akong nasagap na balita na may isang ANTI-DUTERTE PAGE na ginawa para lamang banatan ang aking Page. Sigurado ako alam niyo na yan. Hindi ko na babanggitin baka sumikat pa siya.
Maraming nagagawang magagandang proyekto ang ating Gobyerno ngayon tulad ng mga ginagawa ng DOTr, BOC, DSWD, Tax Reform at maging Peace Talks. Ngunit ito ay natatabunan dahil sa kampanya ng mga kalaban ni P.Duterte. Tulad na lang ng bombings, EJK, pagmumura at kung anu ano pang mga issue. May nabalitaan din po ako na hinahanda na nila ang pampalit sa ating PANGULO. Pinababango na nila ang IMAHE nito sa iba’t ibang bansa.
ANO PO BA ANG ATING MAAARING GAWIN?? Tulad nga ng sinabi ni SEN. CAYETANO, don’t underestimate the power of PRAYER. Totoo po yan kasi sa totoo lang nakakaawa na si Tatay Digong. Pagud na pagod na siya kakatrabaho para umayus ang bansa natin pero itong mga AMBISYOSONG POLITIKO ay hindi tumitigil sa paninira sa kanya. IPANALANGIN NATIN SI TATAY DIGONG at ipagpatuloy natin ang LABAN SA SOCIAL MEDIA.
Mag bantay, mag matyag at maging aktibo sa pag-share, pag-comment, at pagpaliwanag sa ating mga kamag-anak/kaibigan lalo na yung mga nasa ibang bansa. Dahil mini-MISLEAD ng LOCAL MEDIA ang buong mundo kaugnay sa totoong nangyayari sa ating bansa. Huwag po tayong maging kampante dahil hindi kampante ang KALABAN ni P.Duterte. TAYO AY NASA ISANG REBOLUSYON LABAN SA OLIGARCHS, DRUG LORDS at mga AMBISYOSONG POLITIKO. [SOURCE]
WATCH THIS VIDEO:

No comments

Powered by Blogger.