SHOCKING: Billly, Vice Ganda at Anne Curtis kasama sa listahan ng mga artistang gumagamit diumano ng illegal drugs?



Inamin ng Kapamilya singer-TV host na si Billy Crawford na sumama ang loob niya nang malamang kasama siya sa listahan ng mga artistang gumagamit diumano ng illegal drugs.

Hindi pa kumpirmado kung lehitimo ang nasabing listahan na inilabas sa isang tabloid, ngunit kasama raw ni Billy na nasa listahan ang kapwa niya It’s Showtime hosts na sina Vice Ganda at Anne Curtis. Pati na ang matinee idols na sina James Reid at Enrique Gil, ang Kapuso actress na si Solenn Heussaff, at ang socialite/eventologist na si Tim Yap.

Nauna nang itinanggi ni Tim sa isang radio interview na may kinalaman siya sa illegal na droga. Habang kasama naman si Enrique sa Star Magic artists na nag-voluntary drug testing, at negatibo ang resulta nito.

Wala pa namang pahayag ang ibang mga artistang nabanggit.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Billy sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 kahapon, August 31, nagsalita tungkol sa pagkalat ng naturang listahan. Saad niya, “Without anything, ‘yan ang ikasisira ng buhay ng isang tao dahil ang nadadamay diyan, isang pamilya, nadadamay ang sarili mo, ang trabaho mo.

“Sa mga nagsasalita diyan, siguro mas mabuting tumahimik na lang kung hindi nila alam ang totoo di ba?”

Idiniin din ni Bily na wala siyang anumang koneksiyon sa illegal drugs.

“For me, alam ko ang totoo, hindi ako gumagamit at hindi rin ako nagpu-push, so that’s it.” Ayon pa kay Billy, handa siyang magpa-drug test anumang oras.

“Of course. Sa totoo lang, ako, naaresto ako sa BGC that time, they gave me a random drug test for me, I tested negative.

“Wala akong tinatago,” diin niya. Sang-ayon din si Billy sa random drug testing sa kanilang mga artista.

“Yeah, sure. If you’ve nothing to hide, why not?

“Pag may itinatago ka, mas mabuti nga, ika nga ni Digong [President Rodrigo Duterte], sabi niya, e, sumuko ka na lang.

“Matutulungan ka naman, you can go to rehab, puwede kang magpa-doktor or anything like that. “But if there’s anything else, pag itinatago mo na, there’s something wrong.” May patutsada rin ang It’s Showtime host sa sinumang naglabas ng listahan ng pangalan ng mga artista na gumagamit diumano ng illegal drugs.

Aniya, “Nagpapasikat lang ang ibang tao kasi, alam mo na, medyo taghirap ngayon.

“Gusto lang nila na makadamay ng ibang tao.

“Minsan mag-isip-isip din ang mga tao dahil nakakasira talaga ng buhay ‘yan.

“Una, pag gumagamit ka ng drugs, nakakasira talaga ng buhay.

“Pero pag nadadamay ka sa mga sitwasyon na ganun, mas nakakasira kasi kailangan mong ipagtanggol ang sarili mo.

“Pati yung pamilya mo, pati kung ano yung pinagtatrabahuhan mo.”

source

No comments

Powered by Blogger.