SHOCKING! Abu-Sayyaf Recruiting Drug Suspects As Front Line Fighters!



Tumatanggap ng mga durugista ang bandidong grupo na Abu-Sayyaf para dumami ang kanilang mga pwersa. Sabi ng Gobernor ng Sulu, karamihan daw sa mga miyembro ng Abu-Sayyaf ay may kaso na may kaugnayan sa droga. Isa sa paraan ng mga drug suspects upang makapagtago sa batas, ay sumali sa teroristang grupo.

" Maraming factor na nagtutulak sa mga kabataan na sumama diyan. May mga kilala ako diyan na mga talagang drug users. So, kung nakagawa ng kalokohan dito sa bayan ng Jolo at nagkaroon ng kaso. Para lang matakbuhan ang batas, sama na lang doon sa bandidong grupo" sabi ni Sulu Governor Totoh Tan.

Ang ilan pa raw sa mga nahihikayat ng Abu-Sayyaf, ay mga kabataang madaling mauto. Karamihan raw sa mga ito ay mga sumi-simpatya sa teroristang grupo.

"Actually kabataan karamihan eh. "yung mga sympathizers. Hindi naman minors pero bata, nasa 20s. Lokal dito pinanganak iyang mga iyan" dagdag pa ng Sulu Governor.

Kumalat sa internet ang isang video kung saan makikita ang ilang pinaghihinalaang miyembro ng Abu-Sayyaf na nakikipagpalitan ng putok sa militar. Karamihan sa mga nakunan sa video ay mga pawang mga kabataan.

Sumiklab ang labanan sa pagitan ng Abu-Sayyaf at gobyerno nang pugutan ng bandidong grupo ang bihag nilang bata.

Suportado niyo ba na pulbusin na nang lubusan ang Abu-Sayyaf?

source

No comments

Powered by Blogger.