‘Plan B’ nagsimula na-Cayetano

Cayetano-0722

Ang paglantad umano ng nagpapakilalang ‘hitman’ ng Davao Death Squad ang hudyat ng pagsisimula ng ‘Plan B’ ng Liberal Party upang patalsikin si Pangulong Duterte at maiupo bilang kapalit nito si Vice President Leni Robredo.

Ito ang alegasyon ni Sen. Alan Peter Cayetano matapos ang pagharap sa senate investigation ukol sa extrajudicial killings ng self-confessed hitman na si Edgar Matobato kahapon.

Sa pagdinig, ginisa ni Cayetano si Matobato at tinangka nitong ungkatin ang mga taong nasa likod umano ng pagsisiwalat ni Matobato saharap ng senado.

Tinanong din ni Cayetano kung batid ba ni Matobato kung sino sa mga senador ang kaalyado ng Liberal Party ngunit hindi ito nasagot ng resource person.

Nahinto lamang ang linya ng pagtatanong ni Cayetano nang sabihin ni Motabato na hindi siya bumoto ng nakaraang eleksyon.


source

No comments

Powered by Blogger.