Palasyo, No Comment Muna Sa Pagkakadawit Ni Ex-Pres. Aquino Sa Droga



Tumanggi munang magbigay ng komento ang Malacañang sa babala ng isang mambabatas sa Duterte administration na huwag idawit ang pangalan ni dating Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino sa iligal na droga.

Ito ay matapos ihayag ni Justice Secertary Vitaliano Aguirre na mayroon pang mas mataas na opisyal ng Liberal Party (LP) maliban kay Senadora Leila De Lima ang nakatanggap ng payola mula sa mga drug lords sa New Bilibid Prison (NBP).

Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, hindi na muna magre-react ang Palasyo sa isyu ngayong sensitibo pa ang relasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng senadora.

Bagaman wala pang detalye ang Malacañang sa plano ng Department of Justice (DOJ) at Kongreso na siyang nagi-imbestiga sa umanoy illegal drug trade sa Bilibid, malinaw naman umano ang pahayag ni Aguirre na mayroon siyang impormasyon tungkol sa isyu.

Matatandaang inihayag ni Ifugao Representative Teddy Baguilat, miyembro ng LP na dapat mag-ingat ang administrasyon sa pagdawit kay Aquino sa droga dahil hindi alam ng Palasyo kung ano ang magiging reaksiyon ng mga taong malalapit sa dating pangulo.


source



No comments

Powered by Blogger.