MUST WATCH: SHOCKING! Shabu Underground Lab Hidden Inside A Piggery, Exposed By PDEA!



Nilusob ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang piggery/agricultural compound sa Arayat, Pampanga. Sa ginawang operasyon ng mga mga otoridad, natagpuan ang isang shabu laboratory na nasa underground ng compound. Arestado naman ang 8 Chinese nationals na nagsisilbing mga chemists sa laboratoryo ng shabu, 7 dito ay mga lalaki at 1 babae.

Ayon sa ulat ng GMA News, ginagamit ng mga durugista ang piggery para hindi mahalata at maamoy ang mga nilulutong shabu sa kanilang underground laboratory. Naglalabas ng masansang na amoy ang proseso ng pagluluto ng shabu, kaya ginamit ng mga durugista ang lugar.

"Ginagawa nilang parang testing laboratory ito, na kung saan tine-test muna dito ang sangkap, bago gagawa sa malakihan. So, kung baga research and development team nila ito" sabi ni PDEA Director Wilkins Villanueva.

Nakita sa loob ng laboratory ang ilang kagamitan sa pagluto ng iligal na droga. Ngunit, kaunti lang ang nakuhang mga shabu.

Noong mga nagdaan na buwan may nahuli namang laboratoryo ng shabu sa dagat o floating lab. Gagawa at gagawa talaga ng paraan ang mga ito para makapagbenta ng iligal na droga sa ating bansa. Kaya tama lang ang ginagawang maigting na operasyon ng ating Gobyerno kontra-droga, para masawata ang mga ganitong uri ng mga tao. Hindi lang kasi buhay ng users ang sinisira ng shabu, pati buhay ng pamilya nila.


source

No comments

Powered by Blogger.