Look! Presidente Duterte, NAUMAY Kay De Lima! Alamin Kung Bakit!

look-presidente-duterte-naumay-kay-de-lima-main

“Susmaryosep. Alam mo every time I view the video, I lose my appetite. Nawawala ang gana ko sa kanya,”

Ito ang naging tugon ni Pangulo Rodrigo Duterte, sa tanong ni Senadora Leila De Lima kung may gusto daw ba sa kanya ang Presidente ng Pilipinas. Binalaan din ng Presidente ang senadora na huwag maging kalmado sa mga alegasyon sa kanya,  dahil seryoso raw ang mga bagay na ipinupukol sa senadora.

“Those are serious charges. She should not adopt a nonchalant attitude about all of these things. Kasi I said she opened the portals of narco-politics to take hold in the national level. There will never be an honest election,” sabi ni Pangulong Duterte.

Itong mga nagdaan na araw, naging laman ng balita ang pangalan ni senadora Leila De Lima, dahil sa pagkakasangkot diumano nito sa bentahan ng iligal na droga sa New Bilibid Prison. Tumestigo laban sa senadora ang ilang high-profile inmates sa isinagawang congressional hearing noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga inmates ng Bilibid, pinondohan daw ni Senadora De Lima ng drug money ang kamapanya niya sa pagka-senador. Si Jaybee Sebastian ang itinuturong point person ni De Lima sa Bilibid. Napabalita na pumupunta raw si De Lima sa kubol ni Sebastian at nagtatagal doon ng 3 hanggang 4 na oras.

source

No comments

Powered by Blogger.