LOOK! Panelo kay Duterte: 3.7M drug suspects, dalhin sa hiwalay na isla





Imumungkahi umano ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin sa hiwalay na isla ang mga tulak ng droga sa bansa.

Ayon kay Panelo, aminado siyang hindi kayang akupahin ng gobyerno ang napakaraming bilang ng tulak ng droga sa bansa na sa huling bilang ay tinatayang nasa 3.7 million.
Giit ni Panelo ang nasabing indibidwal ay posibleng hindi lang tulak ng droga kundi maaring mamamatay tao, rapist, o magnanakaw.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtatayo ng pamahalaan ng mga rehabilitation centers sa bansa upang maakupa ang libu libong sumukong drug suspects.


source

No comments

Powered by Blogger.