Look! Pacquiao, Napangaralan Si De Lima Tungkol Sa Rule Sa Senado! Alamin kung Ang Sinabi ni Pacman!



"What I understand Mr. Chairman, ito ay inquiry sa isang witness, para pakinggan natin an statement nung witness. Hindi natin didepensahan siya o ano, iko-cross examine natin kung nagsasabi siya ng totoo. Tayong mga senador ay mag-iimbestiga, hindi magpo-protekta doon sa witness"

Oo, hindi diretsong sinabi ni Senator Manny Pacquiao ito kay Senator Leila De Lima, pero alam naman nating lahat na isa si De Lima sa todo kung magtanggol kay Edgar Matobato. Mayroon pa ngang pagkakataon na sinabi niyang credible witness si Matabato, kahit kita na ng lahat na sablay-sablay ang mga statement ni Matobato. Kaya masasabi nating pahapyaw o pasaring ito ni Pacquiao kay De Lima.

Hindi inakala ng lahat na magkakapagbigay ng mahalagang kontribusyon si Pacquiao sa Senado. Una, isa siya sa mga nakapuna sa mga pabago-bagong pahayag ng mga naunang mga testigo ni De Lima. Pangalawa, siya ang nag motion para bakantihin ang chairmanship ng justice committee sa senado, dahilan kung bakit napalayas si De Lima sa justice comittee.

Hindi ko binoto si Pacquiao dahil sa pinamalas niya sa kongreso, pero natutuwa ako sa performance niya ngayon sa senado. Sana magtuloy-tuloy ang maayos na pagganap niya sa senado. Makatulong sana ito ng lubusan sa kampanya kontra-droga ni Presidente Duterte.

source

No comments

Powered by Blogger.