GOOD NEWS! Additional 2000 Pesos SSS Monthly Pension, Aprubado Na!



Aprubado na naman sa committee level ng kamara ang panukalang 2000 pisong dagdag umento sa buwanang pensyon ng mga miyembro ng Social Security System (SSS). Inaasahang mahigit 2 milyong Pilipinong miyembro ng SSS ang makikinabang ng lubusan sa dagdag pensyon na ito.

Matatandaang in-aprobahan na dati ng kongreso ang panukalang dagdag pensyon noong nakaraang administrasyon. Ngunit veto ang inabot ng panukalang ito noong umabot sa opisina ng dating Pangulong Nonoy Aquino.

Bumanat naman ang SSS na kung puwede raw ba ay 500 pesos na lang daw ang umento sa pensyon. Ngunit, kinontra agad ito ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate.

"Ba't may kolatilya pa? Mag i-increase sila ng premium. So, what is 500 pesos? That is only 16 pesos a day noh. Hindi mararamdaman ng mga lolo at lola iyan. Para ngang inisulto mo pa nga sila niyan" ayon kay Zarate.

Sa isa pang banat ng SSS sa committee, humirit sila na kung maari raw ay magdagdag pa ng kontribusyon ang mga miyembro nito. Dahil kakailangan raw nila ng 56 bilyon piso kada taon para matugunan ang 2000 pesos na pensiyon kada buwan ng bawat miyembro.

"Yung investment ng SSS, hindi sasapat doon palang sa 2000 peso increase. Maliit ho sa unang tingin pero kung susumahin ho natin. 2000 times 13 months in a year, kasi mayroon ho tayong bonus, times 2.15 million pensioners. Ano ho iyan, 56 billion pesos, 56 billion peso a year" sabi ni Geroge Ongkeko na Senior Vice President at Chief Actuary ng SSS.


source

No comments

Powered by Blogger.