BREAKING! Trillanes: Salungat na mga salaysay ni Matobato, ‘di mahahalagang detalye



MANILA, Philippines — Dinepensahan ni Sen. Antonio Trillanes ang mga pahayag ng umano’t hitman ng Davao death squad na si Edgar Matobato nang humarap siya sa pagdinig ng Senado.

Sinabi ni Trillanes na kung mayroon mang mga salungat na salaysay ni Matobato ay hindi ito kalakihan.

"The inconsistencies, if any, were trivial as shown by the transcript," pahayag ni Trillanes. "And, despite the badgering, Matobato was consistent about the events and other details he was sure about,” dagdag ng senador.

Sa nakaraang dalawang pagdinig ay kinuwestyon ng mga Senador na sina Panfilo Lacson, Alan Peter Cayetano at Richard Gordon ang kredebilidad ni Matobato.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Isiniwalat ni Matobato na tumatanggap sila ng mga utos kay Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa lamang siya ng lungsod ng Davao.

Duda sina Lacson, Cayetano at Gordon kay Matobato dahil sa mga salungat na pahayag ng testigo.

Sinabi pa ni Trillanes na pinagsamantalahan ng kapwa niya mga senador ang language at educational barrier nila kay Matobato na hanggang elementarya lamang ang inabot.

source

No comments

Powered by Blogger.