BREAKING NEWS! EDUARDO “DANDING” COJUANGCO : UTAK SA PAGPATAY KAY SEN. BENIGNO “NINOY” AQUINO JR.



Panibagong paglilitis sa pagpatay kay Ninoy ‘di posible – Gonzalez November 23, 2007 8:52pm

Ipinagkibit-balikat ni Justice Secretary Raul Gonzalez nitong Biyernes ang balita na magkakaroon ng panibagong paglilitis tungkol sa pagkamatay ni dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. matapos magbigay ng bagong impormasyon sa kaso ang isa sa mga suspek sa krimen.

Nauna nang itinuro ng bagong-layang si dating Master Sgt. Pablo Solomon Martinez ang negosyanteng si Eduardo “Danding” Cojuangco na mastermind ng pagpaslang kay Aquino may 24 taon na ang nakararaan. Ayon kay Gonzalez, maliit ang tsansang tanggapin sa panibagong pagdinig sa kaso ang ebidensiyang ibinunyag ni Martinez.

“But it’s still very slim (new trial) because of prescription and Martinez’s statement maybe rejected as newly discovered evidence,” pahayag ni Gonzalez.

Nagbabala si Gonzalez na maaaring pagdudahan ang sinabi ni Martinez.

“Why only now he said all these matters when prescription has already stepped in. He should have said this matter long before, or during the trial of the case,” sinabi ng kalihim.

Iginawad ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang executive clemency kay Martinez matapos nitong marating ang edad na 70. Alinsunod sa batas, ang sinentensyahan na tumuntong sa edad na 70 ay maaari nang patawarin ng Pangulo.

Si Martinez ay kabilang sa 15 sinentensyahan sa pagpatay kina Aquino at Rolando Galman sa tarmac ng noo’y Manila International Airport noong Agosto 21, 1983.

Para kay Gonzalez, na tumayong Tanodbayan sa Aquino-Galman trial, ang “prescription” ang pangunahing hadlang upang idawit si Cojuangco bilang bagong akusado sa krimen.

source

No comments

Powered by Blogger.