BREAKING NEWS! 50 celebs, kabilang sa drug list ni Duterte – Diño



Aabot sa 50 celebrities ang kabilang sa drug list ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Volunteers Against Crime and Corruption Chairman at incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño, ang nasabing mga artista ay halos party drug users habang sampu naman sa mga ito ay mga hinihinalang drug pushers.
Gayunman, tumanggi si Diño na pangalanan ang nasabing mga artista ngunit inaming ilan sa mga ito ay umaming nakapagpadrug test na.

Nito lamang nakaraang linggo, kinumpirma ni National Capital Region Police Office Director C/ Supt Oscar Albayde na may listahan sila ng mga artista na sangkot sa droga.

Ayon kay Albayde, ang nasabing listahan ay ibinase sa testimonya ng mga sumuko drug personalities at sa ngayon ay bineberipika pa nila ang nasabing listahan.

source

No comments

Powered by Blogger.