MUST WATCH! Massive Rally To Support PNP's War On Drugs Being Pushed By Duterte Supporters And Law-Abiding Citizens!



Nanawagan ngayon ang mga taga-suporta nina President Rodrigo Duterte at Philippine National Police (PNP) Chief Ronald "Bato" Dela Rosa na magsagawa ng isang malakihang rally para ipakita ang pakikiisa at pagsuporta sa laban kontra-droga ng gobyerno ni Pangulong Duterte. Binabalak ikasa ang malakihang rally na ito dahil sa pangingialam ng ilang mambabatas at human rights advocates sa isinisagawang giyera kontra sa iligal na droga sa bansa. Ayon sa mga taga-suporta ng Presidente, gusto lang raw ng mga tumutuligsa sa Pangulo at PNP na sirain ang pagbabagong ipinangako ni Duterte. Dagdag pa nila, nasasayang lang daw ang pera sa ginagawang hearing, imbis na nagagampanan daw ni PNPC Bato ang pagsugpo sa droga , ay kailangan niya pang um-attend sa hearing ng senado na pinangungunahan ni Senadora De Lima Hindi pa tiyak ang petsa kung kailan gagawin ang rally. Ngunit, sa post ng President Rody Duterte Supporters OFW Global Movement, na isang Facebook Page na sumusuporta kay President Duterte, balak daw gawin ang rally na ito sa Septyembre 11, sa Luneta. Ang post ng nasabing Facebook page ay umani ng positibong reaksyon sa mga netizens at nai-share na rin ng mahigit 24,000. Marami ang nagsabi na dadalo sila sa gagawing rally para ipakita ang kanilang suporta sa adhikain ng bagong administrasyon. Kayo? Suportado niyo ba ang laban kontra-droga?



source

No comments

Powered by Blogger.