Mga Durugistang Ka-Apilyedo Ni Presidente Duterte, Highlighted Agad Sa Inquirer!



Hindi natin masisi ang mga Pilipino sa social media kung bakit kinasusuklaman nila ang mga media groups tulad ng Inquirer. Sa isang artikulo ng Inquirer kahapon, ibinalita nila ang isang buy-bust operation na isinagawa sa Zamboanga City.

Anim na tao ang nahuli sa ginawang operasyon. Nasabat sa mga nahuli ang ilang pakete ng shabu at ilang drug paraphernalia. Dalawa sa nahuli ay ka-apilyedo ni President Duterte. Ayon kay Supt. Nonito Asdai ng Zamboang Police Station, hindi kamag-anak ni President Duterte ang dalawa.

Alam niyo ba kung ano ang ginawa ng Inquirer? Aba! 'yun agad ang ginawang pamagat sa artikulo nila. "2 ‘Dutertes’ among 6 nabbed in drug buy-bust in Zamboanga City" sabi sa title ng article ng Inquirer. Wow! para-paraan lang para makuha ang atensiyon ng mga tao sa social media.

Eh ano naman kung Duterte ang apilyedo ng mga suspek? Ginagawa ba talaga ng Inquirer ang lahat ng paraan para magmukhang masama ang Pangulo ng bansa? Hindi nakakapagtaka kung bakit pati ang kasamahan niyo sa media na si Ben Tulfo ay buwisit sa inyo.

Hindi naman pinalampas ng mga Pilipinong marunong mag-isip ang ginawa ng Inquirer at kinastigo agad ang pahayagan, sa mismong Facebook post nila. Ayon sa mga netizens, malisyoso at cheap journalism daw ang ginawa ng Inquirer. Ang ilan naman ay pinagmumura ang pahayagan.



source

No comments

Powered by Blogger.