Kabayan Party List Rep. Harry Roque: "Duterte can be impeached thru People Power."



Posible umano itong maharap sa impeachment at people power, ayon kay Kabayan Party list Representative Harry Roque dahil sa maaanghang na salita ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Matatandaang tila napikon ang Pangulo sa sinabi ni Sereno na huwag sumuko sa ang mga huwes na pinangalanan niya na sangkot sa ilegal na droga kung wala namang warrant of arrest. Dahil dito ay nagbabala si Duterte na aatasan ang Executive branch ng pamahalaan na huwag i-honor si Chief Justice Sereno at nagbantang magdedeklara ng martial law.

Si Sereno naman ay hindi na nagsalita ukol sa patutsada ni Pres. Duterte.

Ayon sa ulat ng Remate, sinabi umano ni Harry Roque na ang presidente na mismo ang nag-iimbita ng impeachment o kaya ay extra-legal measure na kung tawagin ay people power. Pinayuhan pa nito ang Pangulo na sundin na lamang si Sereno dahil wala naman daw talagang basehan ang “shame campaign.”

Imbes na hiyain ay sampahan na lamang daw ng kaso ang mga supek na sangkot sa kalakalan ng ilegal na droga.

H/T: duterteglobalnews

No comments

Powered by Blogger.