'Drug lord' ng Quezon, sumuko sa PNP



MANILA - Sumuko na sa Philippine National Police (PNP) si Cerilo Athel Acala, ang umano'y drug lord ng probinsya ng Quezon.

Si Alcala ay kapatid nina dating Agriculture Secretary Proseso Alcala at Quezon Rep. Kulit Alcala.

Dakong alas-3 ng hapon ng dumating si Athel sa tanggapan ng PNP sa Lucena, kasama ang pamangking si Lucena Mayor Roderick Alcala. Nakikipag-usap pa si Athel kay Lucena police chief Supt. Dennis de Leon, hanggang dakong alas-4 ng hapon.

Inaasahang haharap sa press conference si Athel matapos ang naturang pulong.

Noong nakaraang linggo, ipinag-utos ni Mayor Alcala sa pulisya ang pagdakip sa kanyang tiyuhing idinadawit sa iligal na droga.

H/T: abscbnnews

No comments

Powered by Blogger.