Drug Lord Jaybee Sebastian Ninang Si Senador Leila De Lima?



Ayon sa report ng People's Television Network, sinabi ni Sandra Cam na mag-ninang diumano si drug lord Jaybee Sebastian at si Senator Leila De Lima. Kaya raw malakas si Jaybee Sebastian sa senadora.ay dahil sa pagiging mag-ninang ng dalawa. Ito ba ang rason kung bakit noong ni-raid ang NBP ay hindi isinama si Jaybee Sebastian sa mga grupo ng high profile inmates na nilipat sa National Bureau of Investigation Compound? Matatandaang may mga inmates na nagreklamo kung bakit hindi isinama sa mga ginalugad ang kubol ni Jaybee Sebastian.

Dagdag pa ni Cam, linggo-linggo raw nag lalabas-pasok si Ronnie Palisoc Dayan sa New Bilibid Prison (NBP) para maka-kolekta ng drug money mula sa mga drug lords na nakapiit sa NBP. Si Ronnie Palisoc Dayan ang itinuturong driver/lover ng senadora.

Hindi na rin raw muna maglalabas ng iba pang karagdagang impormasyon si Cam at ipapaubaya niya na ang ibang rebelasyon sa President. Sabi ni Cam, na kay Pangulong Rodrigo Duterte na ang impormasyon kung paano hinahati ang drug money at kung sino-sino ang mga nakikinabang dito.

Bago pa man ang mga pangyayaring ito, may mga usap-usapan na taga-protekta si De Lima ng ilang mga drug lords sa Muntinlupa. Si De Lima rin ang itinuturong dahilan ng iba kung bakit lumaganap ang droga sa NBP. Dumating pa nga sa puntong binalak nila Solicitor General Jose Calida, Justice Secretary Vitallano Aguirre at House Speaker Pantaleon Alvarez na imbestigahan ang senadora.




H/T: newsinfomanila

No comments

Powered by Blogger.