Corrupt Customs Employee Earning 220 Million Pesos Per Month?



Kung akala niyo abala lang sa pagsugpo ng iligal na droga ang Administrasyong Duterte, aba eh nagakakamali kayo.

Inanunsyo ni Bureau of Customs (BOC) Chief Nicanor Faeldon sa press conference sa Malacanang, na mayroong silang kakasuhang empleyado ng Customs.

Inerekomenda na raw nila si Customs Police Captain Arnel Baylosis sa Department of Justice (DOJ) dahil sa tumatanggap diumano ito ng 220 milyong pisong suhol kada buwan.

“Four individuals who had direct transactions with him testified through affidavit that previously, since 2012, they had been giving bribe money. It’s called in the Customs ‘tara,’ amounting to at least 100, 220 million pesos monthly,” sabi ni Faeldon.

Ayon kay Faeldon, hindi lang daw si Baylosis ang ini-imbestigahan nila dahil mayroon pa raw iba pang mga empleyado ng Customs na dumadaan na rin sa imbestigasyon. Paraan ito ni Customs Chief Faeldon para tugunan ang kampanya ni President Duterte para sawatahin ang korapsyon sa pamahalaan. Milyon-milyon ang nalulugi sa gobyerno dahil sa mga tiwaling empleyado ng Customs.

“We are continuously isolating and tracking all the bureau officials that are believed to be very corrupt,” dagdag ni Faeldon

Matatandaang binantaan ni Customs Chief Faeldon babarilin niya ang mga tiwaling empleyado ng Customs kung maa-aktohan niya ang mga ito sa gawaing pangungurakot at pag-nanlaban.

Sa loob ng 30 araw ay pipiliting ng pamunuan ng BOC na ma-install ang mga CCTV cameras sa mga frontline office nito sa Maynila. Ito ay isa sa mga paraan para masawata ang korapsyon sa ahensiya.


H/T: newsinfomanila

No comments

Powered by Blogger.