Oplan Galugad sa Bilibid, NO deadline



Tiniyak ni Acting Bureau of Corrections chief Rolando Asuncion na hindi nila titigilan ang pagsasagawa ng Oplan Galugad sa pambansang piitan.

Paglilinaw pa ni Asuncion na wala naman itinakdang deadline si Pangulong Rodrigo Duterte para sa ganap na kalinisan sa Bilibid.

Aniya regular silang magsasagawa ng inspections sa mga selda at babalik-balikan nila ang mga ito kung kailangan para maghanap ng mga kontrabando.

Kahapon walong oras na ginalugad ng mga tauhan ng Special Action F, Philippine Drug Enforcement Agency at BuCor ang selda ng mga grupo sa quadrant 2.

Nagresulta ito sa pagkakarekober ng shabu na ibinaon sa semento, P1.1 million cash, US dollars, Chinese yuan, mahigit 100 na cellphones, mga kutsilyo, pana, DVDs, LPG at mga sigarilyo.

H/T:kami

No comments

Powered by Blogger.